Balang Araw

Desperadong tunay kung tawagin nila

Meron pa bang naiwang gana at debosyon

Na ituloy lahat ng pinagpaguran mo

Sabi mo masaya ka dito, bakit mo iiwanang bigla?

 

Ang sisira ba ng lahat ang siya ring lumikha?

Papayag ka ba? Mapunta lahat sa wala?

 

Ito’y para sa mga nangangarap pero di natutupad

Nawawalan ng pag asa

Kaibigan kapit ka lang

Darating din ang umaga

Ang umagang hanap mo

 

Di mo kasalanan kung hindi nagtugma

Ang lahat ng iyong ninanais ay may panahong takda

Pagdating ng araw na iyon, pagdurusa mo’y mawawala

 

Huwag na huwag sumuko, hawak mo ang kapalaran

Puro latay at pasa, ang lungkot ay iyong labanan

Mga tala’y luluhod, sa iyong paanan

 

Ang iyong pag angat, kanilang kamatayan

Ang sumpa mong bumangon, ibalik sa kamalayan

Di ka nila maaaping muli at aapakan

Para sa mga nangangarap, luluhod ang mga tala

 

Lyrics: R. Africa

Music: K. Cambaliza

Arrangement: P. Eusebio