Dagat Ng Apoy

Lulusong ka na ba? Sa dagat ng apoy?

At nakita ko, ang tagumpay
Malayo man di mahiwalay
Ang mahalaga, ay may apoy pa rin
Anumang hirap ay aangkinin

Gumugulo sa iyong isipan takot at kaba
Buhayin ang sarili mo’t magsimula ka na
Sino ba naman sila para pigilan ka?
Sa Dagat ng Apoy, muling lalaban ka

At ang lungkot, ay walang saysay
Ating kapalaran ay nasa ‘king kamay
‘Di bibitaw, sa mga pangako ko
At magbabalik muli sa piling nyo.

Mga kuko ng kahapon
Wala na silang talim

Salamat kabiguan, tinuruan mo ako
Sa hirap na dinanas ko (pangarap mabubuo)
Kahit imposible, pipilitin ko
Kahit mahirap ay kakayanin ko.
(Hinalikan ko ang liwanag… Tinakwil ko ang lagim!)

… At lilipas din ang mga taon
Simula ng ating pag-ahon
‘Di ako papayag na…
Magpalunod…
Magpatalo…
Sa dagat ng apoy

Music: T. Marcelino
Lyrics. R. Africa
Arrangement: J. Mendoza, J.Constantino, P. Eusebio