Duelo

Ito’y isang giyera ng sarili
Ako ang lumikha na mag-isa
Kasalanan kong di mapatawad
Laging may away sa ‘king mata

At ito’y nagbabaga, nanghihila pababa
Boses ko’y humihina, di na babalik
Ang dating kinagisnan, di na kaya ang pasan
Meron bang pupuntahan dapat bang may masaktan?

Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag?
Mapagkunwari? Ang peke at huwad?
Di makakilos nakabalot sa tinik
Walang katapusang paghihimagsik

Itong duelo- takot sa ‘king anino
Nakikipigdigma sa ‘king kaluluwa

Mga anghel na di na dumating
Pag-asang tinangay na ng luha
Nagising sa pagkakahimbing
Sa katapusang laging nagbabanta

Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag?
Mapagkunwari? Ang peke at huwad?
Ang isipan ko, naglalabang mga tinig
Kailangang ibalik ang tapang at bagsik

Humarap sa nakaraan, sa iyong pinagmulan
Hanapin ang rason kung bakit ka ganyan
Walang sasagot sa iyong mga tanong
Ang iyong mga sigaw animo’y parang  bulong.

Hawiin mo ang mga ulap, pagbabago’y magaganap
Sa salaming binasag mo, magtatapos itong duelo.

Para sa iyong landas na naligaw
Para sa mga api, na di makasigaw

Music: J. Constantino
Lyrics: R. Africa
Arrangement: T. Marcelino, P. Eusebio, E. Perlas