Japan

Pawiin na ang iyong luha, at dungis sa iyong mukha
Patayin mo ang pag-alinlangan
Sa lahat ng dinaanan mo, durugin at gawing abo
Pagkakamali ay kalimutan
Kutsilyo sa iyong kamay, pagkatalo na walang humpay
Oras na para tapusin mo…

Pangarap mo ay di mamamatay
Sisikat din ang araw mo gaano man kadilim
Bawat hakbang tayo’y sabay sabay
Pagkabigo ay di hadlang
Maghintay ka lang.

Buhangin man ang kastilyo ko, ito’y pinaghirapan ko
At bawat butil ay tanging yaman
Umaandar itong oras, anumang bagyo di aatras
Buo ang loob harapin ang bukas
Kutsilyo sa iyong kamay, pagkatalo na walang humpay
Oras na para tapusin mo…

Ito ang araw kung kailan maghahari ka
Mga minimithi mo ay makakamit mo na

Di ka nila kayang patumbahin kahit anong mangyari
Magwawagi ka rin
Di ka nila…

Music: J. Mendoza
Lyrics: R. Africa
Arrangement: T. Marcelino, P. Eusebio, J. Constantino, E. Perlas.