Kandila

Kandila

Siguro nga hanggang dito na lang
Hindi naman ako nagkulang
Alam kong binigay ko ang lahat
Kailangang isarado ang aklat

Inilaban kita ng lubos
Kandila ko tila nauupos
Lahat ito ay may katapusan
Sa huling minuto ako’y iyong hagkan

Lahat ng umpisa ay may wakas
Mga araw mabilis na lumipas
Parang taksil ang takbo ng panahon
Ang mahalaga sa buhay ay ngayon

Inilaban kita ng lubos
Kandila ko tila nauupos
Lahat ito ay may katapusan
Sa huling minuto ako’y iyong hagkan

Music: T. Marcelino, P. Eusebio
Lyrics: R. Africa