Langit/Impiyerno

Ilang taong nasubukan ang samahan

Isa lang talaga ang nakagisnan

Anumang bagyo and dumating

Ang barangay na ‘to matibay pa rin

Purong lakas hanggang kaluluwa

Katotohanan sa aking mga dura

Halika na at iyong ‘pikit mga mata

Langit at impiyerno ating ipag-isa

Ihampas ang ulo hanggang mapilay ‘to

Hanggang mabali ang leeg

Parang binitay tsong

Dibdibin ang obra, tamang binayo

Ina nyo ako’y tiga Barangay Tibay po

Ang talim at galing nating dala

Wala sa ‘tin ang nag-iisa

Lahat tayo’y may boses sabay-sabay

Pagsama-sama lalong tumitibay

Barangay Tibay and pangalan

Itutumba natin ang kalaban

Mga demonyo ay ‘tinataboy

Tatawirin ang dagat ng apoy

Tiga Barangay Tibay po

Lyrics: Africa, Rodriguez

Music: Cambaliza

Arrangement: Eusebio