Wakas

Tanaw ko ang katapusan
At mga araw ko’y ko’y bilang
May tanong sa itaas
Na walang kasagutan

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali
Di ko inakalang lumipas na

Nagpapaalam, lumalayo,
Umpisa na ng Wakas
Nakaluhod at luhaan,
Gaano man ka-wagas.

Dumating na ang oras
Ang sakit ay lilipas
Huling araw na ito
Umpisa na ng wakas

Ang araw ay lulubog
sa dapithapon
Bilang ang bawat tibok
Ng pusong kulong

Nagpapaalam, lumalayo,
Umpisa na ng wakas
Nakaluhod at luhaan,
Gaano man ka-wagas.

Dumating na ang oras
Ang sakit ay lilipas
Huling araw na ito
Umpisa na ng wakas

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali
di ko inakalang lumipas na

Di ko matandaan itong nakaraan
Ang tangi kong alam ika’y nandyan

Nagpapaalam,lumalayo
Ito na ang aking wakas

Music: J. Mendoza 
Lyrics: R. Africa
Arrangement: J. Constantino, P. Eusebio, E. Perlas, T. Marcelino