Walang Takot

May kaba sa dibdib at sa iyong mata
Pinipigilan ka ba nila?
‘Di nila alam ang kuwento mo

Lahat ng hadlang ay lalampasan
Ang lungkot ay di na babalikan
Mabigat na kahapon ay iniwan mo

Panahon mo na

Walang takot
Humarap sa dilim
Kahit apoy ay babanggain
Kahit sino pa ‘yan ‘di tayo tatablan

Inagawan ka ba ng pangarap
Kaligayang hinahanap mo
Tatapusin natin ang sumpa
‘Di ka na hahamakin pa

Panahon mo na

Ngayong tanggap mo na ang iyong kahinaan
Itutuwid mo na ang iyong kamalian
Pamilyang nandyan
Mga kaibigan
Lumiliwanag na ang kadiliman

Panahon mo na

Sasabihin nila ang sasabihin nila

Iangat ang iyong sarili
Sa iyo dapat mag-umpisa
Dignidad ay panghawakan
‘Di ka katulad ng iba

Lyrics: Africa
Music: Africa, Borreros, Eusebio